When I first thought of this blog, my heart jumped with joy.
Na-excite akong mag-share ng lessons na natutunan ko. Gustung-gusto kong maisulat ulit ang mga karanasan ko.
Pero nagtataka ako ngayon bakit kanina pa ako hirap na hirap magsimula ng kahit na isang pangungusap lang. ...
Anong wika ba ang gagamitin ko - Ingles o Tagalog? Dapat ba seryoso itong blog ko? Sino ba ang gusto kong makabasa ng mga isusulat ko dito? Tungkol saan nga ba talaga ang isusulat ko?

Aha! Ngayon, alam ko na. :) Wow.
Alam ko na nga. Yes! Haha. Ang saya ko. Kailangan ko lang palang maging honest sa sarili ko at pansinin ang mga tanong at pagdududa ko. Haha. Kailangang magpakatotoo. Gusto ko sana talagang mag-English sa blog na ito, pero hindi ko pala ma-express nang ganun katindi ang sarili ko sa ibang wika. Nahihirapan akong maghanap ng salitang gagamitin. Hahaha. :) Masaya akong mas nakilala ko na naman ang sarili ko. Yehey! |
So, ito na talaga ang simula. :) Sa blog kong ito, binibigyan ko ang sarili ko ng kalayaang ipahayag ang nararamdaman ko. No restrictions. Lalo na sa wika. Hindi ako magpapaka-OC na dapat purong Tagalog o purong Ingles. Basta, kung ano ang swak na salita. Yes! This is it.
Dapat bang seryoso ang blog na ito? Hmm. Ehem. Ang totoo, kaya ako nagbalik weebly ay dahil kaya kong ma-manipulate ang lay-out nito, di gaya sa dati kong blog. Gusto kong mailabas kung sino "ako" at kung paano ako nilikha ng Diyos. Walang pagpapanggap. Ang tanong, seryoso ba akong tao? Haha. Oo, siguro. Seryoso pero masaya. O baka baliktad, masaya pero seryoso. :)
Syempre, hindi pwedeng puro chummy-chummy lang ang buhay. Kailangang may lalim. Ayun.
Sino nga ba ang gusto kong makabasa ng mga ito? Bakit ako nagsusulat?
Una, gusto kong mabasa ito. Gusto kong mas makilala ang sarili ko sa pamamagitan ng pagsusulat at pagbabasa tungkol sa buhay ko. Masyado bang makasarili ang dating? Pwede, pero hindi rin. Alam kong kapag mas nakilala ko ang sarili ko, mas makilala ko rin ang Diyos na may likha sa akin. Mas makikila ko ang pag-ibig niya sa akin. Mas magiging mapagpasalamat ako sa pagkakalikha niya sa akin. At mas maipapakilala ko ang Diyos sa ibang tao sa pamamagitan ng buhay ko. Excited na akong magsulat nang magsulat, at magbasa nang magbasa.
Ikalawa: Alam ko namang hindi lang ako ang nabubuhay sa mundo kaya gusto ko ring mabasa ito ng mga kapwa ko kabataang Pilipino. (O kung sino pang marunong mag-Tagalog.) Marami na akong nabasang blog ng mga kaibigan ko, ng isang kuya ko sa org, ng isang Foreignoy (foreigner na may pusong Pinoy), at ng iba pang mga hindi ko naman kilala. Binabasa ko ang mga iyon kasi nakaka-inspire ang mga sinusulat nila. Pangarap ko na sa pamamagitan nito, may ma-iinspire din akong kahit isang tao lang, pero syempre mas masaya kung marami.
Balang araw, sana, makapagsulat din ako sa iba pang wika sa Pilipinas. Gusto kong makapag-inspire ng mas marami pang kabataan sa bansa. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Pangarap kong makatulong sa pagpapalaganap at pagbibigay pag-asa sa bawat kabataan sa ating bayang mahal. Yiee! (Ang galing, ngayon lang ulit bumalik ang idealism kong ito. Hoho.)
Tungkol saan ang mga isusulat ko dito? Just mean hope. So, tungkol ito sa pag-asa. Sa pangarap, sa pag-ibig, sa pagkakataon, sa pagbangon. Mga simpleng kwentong may lamang pag-asa. Pag-asang nagmumula sa Diyos. Mga kwento ng pagtitiwala, paglago, pagiging panatag, pagiging masaya. Mga kwento ng bagong simula. Yes!
Ito na nga ang simula. Enjoy reading! Dalangin kong sa pagbabasa mo ay mapuno ka ng pag-asa o kaya'y mahapyawan mo man lang ang pag-asang tinutukoy ko. Para sa iyo ito, kabataang Pilipino! Naks. Haha. Push na yan! :D