Hanggang ngayon, naiiyak pa rin ako kapag pinapanood ko ang video na ito. Haaay. Ang sarap namnamin bawat salita ng kanta. Bumabalik ang pangarap kong maging guro. Oo nga pala! Paano kong makakalimutan yun? Bata pa lang ako, pinangarap ko nang maging guro pero nung nag-practicum ako nung college, nahirapan yata ako at nalimutan ko ang aking pangarap. Tsk. Nagpadala ako sa mga hinaing ko. Pakiramdam ko noon, incompetent akong maging titser. Nag-inarte ako. Medyo. :p
Pero mali pala ako. Hindi ako dapat naniwala sa kasinungalingang iyon. Haha. Ano ba iyan, Jas! Haay.
Nagpapasalamat ako sa Diyos kasi simula pa lang ng taong ito, ilang beses na niyang pinaalala sa akin ang naiwan kong pangarap. Ngayon, unti-unti ko iyong binabalikan. Paano?
Isa na yung panonood ng video na ito. Tinignan ko rin yung mga naitago ko noon na bigay ng mga estudyante ko. Nakatulong din ang pagbabasa ko ng practicum journal ko. Buti na lang pala pinagawa kami ng journal noon. :) Ang saya.
Ang paborito kong linya,
Mga munting tinig ang aming alay.
Isang pangarap, isang pag-asa, layunin sa mundo.
Mga munting tinig ang aming alay.
Kapayapaan, kasaganahan, at pagmamahalan sa mundo.

Narito ako, may mga munting pangarap. Bawat sandali, ay hiwaga ng buhay. Sa pagsikat ng araw, malayang daigdig. Tinig ng kagalakan, sa hanging malinis. Narito ako, may mga munting pangarap. Isa't bawat sandali ay liwanag ang taglay. Sa pagdaloy ng ulan, payapang daigdig. Tinig ng kagalakan, daghoy ng pag-ibig. Mga munting tinig ang aming alay. Isang pangarap, isang pag-asa, layunin sa mundo. Mga munting tinig ang aming alay. Kapayapaan, kasaganahan, at pagmamahalan Sa mundo... |
Yey! Narito ako may mga munting pangarap. <3
Ikaw, kabataan, ano ang munting pangarap mo? :)
Ikaw, kabataan, ano ang munting pangarap mo? :)