Ehem
Pamilya ang basic unit ng pamayanan. Kaya dapat sa pamilya pa lang, natutunan na ang pagmamahal, pagmamalasakit, pang-unawa, pagpapatawad, at pagpapahalaga.
Mahal ko ang aming pamilya. Kahit na minsan, hindi ko masyadong nasasabi o naipapakita. Mahal na mahal ko ang aming pamilya. Lagi kong dinadalangin sa Diyos na mas maging malapit kami sa isa't isa. Mabawasan ang samaan ng loob. Mas maging bukas kami sa pagkukuwento ng mga hinaing, pangarap, pangamba, kasiyahan, o kung ano pa mang iniisip namin. Pangarap ko yun. Inaasam-asam ko yung araw na mas magiging ramdam ang pag-ibig namin sa isa't isa.
Sana dumating yung panahon na sabay-sabay kaming kakain ng agahan, tanghalian, at hapunan. Sana dumating yung panahon na magkakatabi kaming nakaupo sa church. Sana maibalik yung panahong sama-sama kaming nagbabasa ng Bible at nagpe-pray.
Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong mangyayari ulit yun. Darating ang panahon na yun. Malapit na.
Tutulong akong mangyari yun. Hindi na ako magsasawalang-bahala na parang kontento na ako sa sitwasyon ngayon. Panginoon, tulungan niyo po akong maging daluyan ng pag-ibig niyo sa loob ng aming tahanan.
Thank you Lord sa pag-asang ibinibigay ninyo sa akin, sa aming pamilya.

Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.
-1 Corinto 13:7